Friday, November 16, 2007

S A N A

dito ko na to sisimulan..hai, ewan..ngaton ko lang ilalabas ang totoong nararamdaman ko para sa kanya,.pakiramdam na matagal ko nang itinatago, at itinatanggi.. ewan ko ba kung bakit di ko maamin. nakakahiya?oo, na hindi. ewan. hindi ko kayang aminin dahil alam kong masasaktan ako. bakit? dahil alam kong may iba syang gusto. natatakot man akong aminin pero malakas ang kutob ko na yung taong gusto nya ay yung pinakamalapit kong kaibigan sa ngayon. kahit na sabihin na iba ang gusto nung kaibigan ko. mahirap na, sa ngayon, hindi pa sya., pero alam kong may posibilidad na maging sya. ayokong malantad dahil ayokong mailang, ayokong makita ng mga tao kung papaano ko tatanggapin ang mga mangyayari, na posibleng ikalulungkot ko at magdudulot ng sakit at paghihirap sakin. kaya ngayon, kung kelan ko ilalabas ang nararamdaman ko para sa kanya ay sya ring panahon/ pagkakataon na susubukan kong tuldukan ang lahat ng kabaliwan kong to, lahat ng katangahan, lahat ng kagagahan. pero ang hirap, hindi ko magawa. sa tuwing mag-iisa ako, naiisip ko sya, mga ngiti nya, mga mata nya, yung mga bagay na nakapag-pahulog ng loob ko sa kanya. ngayon pa lang, nararamdaman ko na yung sakit. yung hirap ng pagbitaw. ewan ko ba kung bakit hirap na hirap ako, eh halos isang buwan palang ang nakakalipas simula nung naramdaman ko to., ang ikling panahon. pero nahulog ako ng sobra.., sobra- sobra, sobra pa sa inaasahan, at inaakala ko. ang bilis! pero bakit ang tagal at ang hirap kong maalis lahat ng to. sinisikap kong gawin lahat para makaiwas. kahit signs hiningi ko na, pero para bang ayaw ng panahon at pagkakataon na umiwas ako sa kanya. pero hidi pwede. ayoko. dahil pag pinatagal ko pa to, mas lalo lang akong masasaktan, at maghihirap. alam ko na ngayon mahirap talaga., pero pag nagawa ko na, magiging ok na ko. sana makaya ko to. sana maging matapang ako. sana.. sana..

No comments: